4-pekeng pulis dinakma

BATANGAS CITY – Apat na advertising agent ng isang magasin ang dinakma ng pulisya makaraang magpanggap na pulis at mangolekta ng malaking halaga sa ilang negosyante sa Batangas City, kamakalawa. Kasong estafa ang isinampa laban sa mga suspek na sina Arnel Lagumbay, Noel Liwag, Edwin Vera at Michael Bueza, pawang taga-Muntinlupa City at advertising agent ng The Police Tribune Magazine. Ayon kay P/Supt. Nilo Anzo, hepe ng Batangas City PNP, ang mga suspek ay nagpapanggap na pulis at nanghihingi ng pera sa ilang negosyante na gagamitin sa medical mission para sa mga retirado at scholarship ng mga anak ng pulis. Nabisto lamang ang raket ng mga suspek matapos magreklamo ang mga biktimang sina Redentor Tan at Cristina Javier. (Arnell Ozaeta)

Show comments