Kinalasan ng nobya, nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 17-anyos na nursing student ang pakikipagkalas ng kanyang nobya kaya nagdesisyon itong magbigti sa loob ng tinutuluyang boarding house sa Purok 5, Barangay Tayhi, Tabacco City, Albay kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ng kanyang mga kaibigan ang bangkay ng biktimang si Matthew Racelis, 2nd year college sa Bicol University Tabaco Campus at residente ng Barangay Anahaw sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap ang biktima sa kanyang nobya sa cell phone habang nakikipag-inuman ng alak kasama ang ilang kaibigan. Isinugod pa ang biktima sa Amado Cope Hospital, subalit hindi na umabot ng buhay. (Ed Casulla)

Show comments