Negosyante itinumba

LEGAZPI CITY – Tinambangan at napatay ang isang 66-anyos na negosyanteng mister ng dalawang maskaradong lalaking lulan ng motorsiklo habang ang biktima ay papasok ng kanyang compound sa Purok 2, Barangay Bigaa, Legazpi City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Esteves Memorial Hospital ang biktimang si Facundo Molina na pinagbabaril habang nagmamaneho ng Toyota Lite Ace na may plakang TBC 917. Ayon kay P/Supt. Narciso Guarin, hepe ng pulisya sa Legazpi City, kagagaling lamang ng biktima sa sabungan nang harangin ng motorsiklong sakay ang mga suspek at isagawa ang pamamaslang.

Sinisilip ng pulisya kung may naagrabyadong sabungero ang biktima. (Ed Casulla)

Show comments