Dating gobernador namayapa
CAMARINES NORTE Maagang kinalawit ni kamatayan ang dating gobernador ng Camarines Norte makaraang atakihin sa puso sa kanilang bahay sa bayan ng Vinzons kahapon ng tanghali. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Leon Hernandez Memorial Hospital ang itinuturing na "Ama ng Lalawigan" na si Emmanuel B. Pimentel, 65. Napag-alamang bago bawian ng buhay si Pimentel ay nakapag-almusal pa sa kanilang bahay hanggang sa makaramdam nang pananakit ng tiyan. Ilang oras ang nakalipas ay namayapa ang magiting na dating opisyal na unang naging vice governor noong 1988 1992 bago umakyat sa Kongreso noong 1992-1998 hanggang sa mahalal na gobernador noong 1998-2001. Ang mga labi ni Pimentel ay nakahimlay ngayon sa kanilang bahay sa nabanggit na bayan. (Francis Elevado)