CAMP CRAME Sampung rebeldeng New Peoples Army ang napaulat na napatay ng tropa ng militar matapos ang madugong bakbakan sa magkahiwalay na sagupaan sa liblib na bahagi ng Bukidnon at Agusan del Sur kamakalawa. Ayon kay Armys 4th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Francisco Simbajon, hinabol ng kanilang tropa ang tumatakas na rebelde hanggang sumiklab ang putukan na ikinasawi ng walong rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Nabunturan, Barangay Maputi, San Fernando, Bukidnon. Nakasagupa naman ng mga rebelde ang tropa ng military sa bahagi ng Agusan del Sur na ikinasawi ng dalawang rebelde.
(Joy Cantos) Pinasabog ang ulo sa harap ng misis |
GENERAL TRIAS, Cavite May posibilidad na matinding galit ang pangunahing motibo kaya binaril at napatay ang isang 29-anyos na mister ng nag-iisang lalaki sa harap mismo ng sariling misis at tatlong anak habang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay sa Sitio Kanluran, Barangay Bacao 1, General Trias, Cavite, kamakalawa ng gabi. Sabog ang ulo ng biktimang si Dante Torion, samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Raul Dela Cruz, 40, barangay kagawad at residente ng Barangay Navarro. Ayon kay PO2 Jojit Dela Rosa Ramos, biglang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at agad na isinagawa ang krimen na nasaksihan pa ng kasambahay ni Torion.
(Lolit Yamsuan) Dalaga, naengkanto sa beach resort |
ZAMBALES Biglaan ang pagsalakay ni kamatayan laban sa isang 19-anyos tinedyer makaraang tangayin ng malaking alon na pinaniniwalaang naengkanto habang naliligo sa beach resort na kasama ang ilang kaibigan sa Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales kamakalawa ng umaga. Ang biktimang nagbabakasyon lamang mula sa Taytay, Rizal ay nakilalang si Joanna Torres. Sa ulat na ipinarating ni P/Supt. Limpi Cayda kay P/Senior Supt. Arrazad Subong, provincial director, Naliligo sa dagat ang biktima, kasama ang mga kaibigang sina Gani Cayabyab, Joy Cayabyab at Moises Torres, nang biglang hampasin ng malaking alon. Sinikap iligtas ng mga kasamahan ang biktima, subalit nilamon na ng alon palayo hanggang sa lumutang ang bangkay.
(Fred Lovino)