Ang suspek na si Joel Flores na natukoy ang pagkikilanlan matapos makuha ang plate number ng motorsiklong Honda TMX (HM-8571) na ginamit sa krimen.
Base sa ulat, si Flores na naaresto noong Hunyo 1 ay hindi kaagad iniharap sa mga mamamahayag dahil sumasailalim pa ito sa tactical interrogation upang ituro ang iba pang suspek sa pagpatay kay Jose Doton, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.
Napag-alamang nakumpiskahan ng baril si Flores matapos na manutok sa isang pulis at lumilitaw sa pagsusuri ng PNP Crime Lab sa Urdaneta City na positibo ang baril na ginamit sa pagpatay kay Doton.
Matatandaang si Doton ay pinagbabaril hanggang sa mapatay habang lulan ng motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Anong Road sa Barangay Camanggaan, San Nicolas, Pangasinan noong Mayo 16, 2006. (Joy Cantos)