Kinilala ni Police Supt. Walter Castillejos ang mga biktima na sina York delos Santos, 25, binata, residente ng Cardona, Rizal at Bjon Baquiran, 24, ng Valenzuela, Metro Manila.
Sina delos Santos at Baquiran ay kapwa miyembro ng Mountaineering Federation of the Philippines kung saan nagmula si Garduce at kabilang sa 26 katao na umakyat sa bulkang Pinatubo na sumabog maraming taon na ang nakalilipas at sumalanta sa buong Pampanga at mga karatig lalawigan nito.
Base sa report, tanging ang dalawang biktima ang tinamaan ng malaking volume ng lahar habang ang iba pa nilang kasamahan ay papatawid rin sa naturang ilog.
Napansin lamang ng grupo ang pagkawala ng dalawang biktima nang matapos na silang makatawid sa ilog at naglalakad sa gawing kapatagan ng lahar may ilang kilometro ang layo sa Pasig Potrero River. Agad na humingi ng tulong ang mga mountaineers upang mahanap ang dalawang kasamahan at sa tulong ng Porac Municipal Disaster Coordinating Council nakita ang bangkay ng dalawa sa Sitio Catusig, Brgy. Inararo sa Porac. (Resty Salvador)