Nabatid kay Ka Tipon Gilayab, spokesperson ng Lejo Cawilan Command ng NPA sa Kalinga, tatlong sundalo ang kanilang napatay matapos nilang ambusin ang isang platoon ng Charlie Company ng 21st Infantry Battalion, noong Mayo 28 sa Sitio Supac, Barangay Dao-angan, Balbalan, Kalinga.
Ang insidente ay kinumpirma ni P/Senior Supt. Pedro Ramos, provincial director ng Kalinga PNP at iniulat na ang mga napatay na kawal ay nakilalang sina Cpl. Puripio B. Rafas, Pfc. Rey G. Galong at Pfc. Rodel P. Libatique.
Nakuha pa ng mga rebelde ang isang M203, dalawang M16, dalawang rifle grenades, labindalawang M79 bala at mga bala ng M16, ayon kay Gil-ayab.
Napag-alaman ng araw ding iyon ay inatake rin ng mga rebelde ang isang Army-CAFGU detachment sa Barangay Taga, Pinukpuk, Kalinga, na ikinamatay din ng dalawang sundalo at ikinasugat naman ng apat pa.
Hindi nabanggit ang pangalan ng dalawang sundalong napatay, subalit ang dalawang CAFGU na sugatan ay nakilala sa pangalang Salvador at Calwing.
Wala pang pinalabas na ulat ang Northern Luzon Command (Nolcom), kaugnay sa naganap na insidente. (Artemio A. Du