Sinabi ni SBMA Chairman Feliciano Salonga, ang dalawang nasabing kreyn na itinuturing na state-of-the-art na heavy equipments ay kinailangan upang maragdagan pa ang kapasidad sa operasyon ng Subic Port sa tone-toneladang kargamento.
Noong Marso 2006, pinangunahan ni Salonga ang ilang opisyal ng SBMA ang pagtungo sa Japan para sa pagkuha ng apat na goose -neck type gantry cranes na may kabuuang bigat na 40.6 tonelada bawat isa.
Dalawa pang kreyn ang inaasahang darating sa Subic Bay Freeport sa 2007, kasabay sa pagkumpleto sa kontruksyon ng Subic-Clark Tarlac Toll Road.
Nabatid na ang apat na kreyn na may kabuuang P2-bilyon ay idinaan sa pamamagitan ng joint-venture agreement sa pagitan ng Penta Ocean-Construction, isang consortium ng TOA Corp., at Shimitzu Corp., Japan na may inilaang $215-milyon loan mula sa Japan Bank of International Cooperation (JBIC). (Jeff Tombado)