445 kilo ng isdang huli sa putok, nasabat
ATIMONAN, QUEZON Aabot sa 445 kilong isdang huli sa putok ang nasabat ng magkasanib na elemento ng PNP Maritime, AFP at Tanggol- Kalikasan sa isang pampasaherong jeepney sa checkpoint sa Barangay Malinao Ilaya, kamakalawa ng hapon. Ang mga isda na kinabibilangan ng labahita, dalagang bukid, samaral at maya-maya ay nanggaling sa bayan ng Mercedes at Jose Panganiban, Camarines Norte at nakatakdang ibiyahe patungong Metro Manila. Nasakote naman ang mga suspek na sina Jovin Madi, Marvin Villacruz, Erwin Encinas, Pilita Galicha at Nelson Cereno, pawang residente ng Camarines Norte. Sa isinagawang pagsusuri ng Department of Agriculture, BFAR at Tagasuri ng Isda sa Quezon (TNIQue) ay kanilang napatunayan pawang mga huli sa putok ang nasabing isda. (Tony Sandoval)