Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Our Lady of the Pillars Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa cal.45 pistola sa likod at sa leeg ang biktimang si Ernesto Pamplona Camaclang, 31, empleyado ng Chan Brothers Inc. (CBI) at nakatira sa #590 Anabu 1-B Imus.
Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek sakay ng get-away motorcycle na walang plaka.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Randy A.Dela Rea, may hawak ng kaso bandang alas-6:45 ng hapon habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang lapitan ng dalawang suspek at ilang beses pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Bago ang pagpatay, noong Mayo 10, 2006 ay isang di kilalang lalaki ang ginulpi ng mga kabarkada ng biktima sa isang bilyaran sa nasabing lugar. Posibleng paghihiganti ang motibo ng pamamaslang kung saan nadamay lamang ang biktima. (Lolit Yamsuan/Cristina Go Timbang)