Member ng highway robbery gang arestado

CAVITE – Naaresto ng mga elemento ng pulisya ang isang suspek sa highway robbery sa operasyon sa Brgy Pangil Amadeo ng lalawigang kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Danilo Nas, 34-anyos may asawa tubong Sorsogon at pansamantalang nagtago sa Brgy Pangil ng nasabing bayan.

Sa report ni PSI Arsenio Gomez, Deputy Chief of Police sa bayang ito, ganap na alas-11:00 ng umaga ng magsagawa sila ng operasyon.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Judge Leonor Geron-Rorabo ng RTC Br 51 Sorsogon City.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang shotgun. (Cristina G. Timbang)

Show comments