Batay sa ulat na tinanggap ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, ang dalawang babae na nag-iwan ng itim na bag ay naglalaman ng pampasabog sa baggage counter ng Sulu Multi-Purpose Cooperative.
Nauna nang napaulat na gagamit ng mga mujahiden ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang bantang pambobomba sa Mindanao upang madaling malusutan ang mga awtoridad.
Ang mga Muslim warrior ay mga asawa at kapamilya ng mga teroristang Abu Sayyaf na sinanay ng ilang bomb expert sa paglulunsad ng bomb attack.
Napag-alaman ng mga awtoridad, matapos na pumasok sa grocery store ang dalawa, sinasabing mabilis na tumalilis patungo sa hindi pa mabatid na direksyon matapos abandonahin ang nasabing bag.
Nabatid din na isasailalim sana ng mga security guard sa pagsusuri ang bag, pero bigla na lamang itong sumabog na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.
Sa kasalukuyan, kinukunan na ng testimonya ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang ilang pasahero partikular na ang drayber at konduktor ng bus para mailabas ang cartographic sketches ng dalawang babae. (Joy Cantos)