Shabu tiangge sa Bulacan, ni-raid

Isa na naman ‘shabu tiangge’ ang sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng 75-katao sa Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa. Kabilang sa mga dinakip na suspek na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga ay sina Emilio Santiago, Rafael Gumatay, Benzer Gabriel at Analyn Balanditan. Tugis naman ng mga awtoridad ang may-ari ng compound na ginawang shabu tiangge na si Belen Gumatay. (Danilo Garcia)

Show comments