Mister tinodas sa balkonahe

LEGAZPI CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na mister ng mga hindi kilalang kalalakihan, habang ang biktima ay namamahinga sa balkonahe ng kanilang bahay sa Sitio Uyango, Barangay Aquino sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Tinadtad ng bala ng baril ang katawan ng biktimang si Juanito Apostol na katatapos pa lamang maghapunan. May teorya ang pulisya na may matinding galit ang mga killer laban sa biktima, samantalang sinisilip din ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na pamamaslang. (Ed Casulla)

Show comments