Paslit ni-rape ng tinedyer

CAVITE – Kalaboso ang kinabagsakan ng isang 17-anyos na tinedyer makaraang ireklamo ng rape ng isang 8-anyos na batang babae sa baybay-dagat na sakop ng Barangay Labac, Naic, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Rex N. Buenafe matapos na ireklamo ng biktima sa himpilan ang pulisya. Ayon kay PO1 Juanita Tabu, isinama ng suspek ang biktima sa naturang lugar at doon isinagawa ang maitim na balak. Nadiskubre ang krimen matapos na mapuna ng ina ng biktima na kakaiba na ang ikinikilos ng bata. (Richard Navarro)

Show comments