Ambush: Kabesa, 1 pa todas

PAMPANGA –Tinambangan at napatay ang dalawa-katao kabilang na ang isang barangay captain ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa naganap na namang karahasan sa Barangay Paguiruan, Floridablanca, Pampanga kahapon ng umaga.

Nasapol sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Baranay Captain Jose Santos ng Barangay Del Carmen at isang nagngangalang Boy na kapitbahay ni Santos.

Ayon kay P/Chief Insp. Samuel Sevilla, hepe ng pulisya sa bayan ng Floridablanca, bago maganap ang pananambang ay nagtungo ang dalawang biktima sa municipal hall para sa flag raising ceremony, kasama ang iba pang barangay captain at kawani ng nabanggit na munisipyo.

Napag-alamang sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima at habang binabagtas ang kahabaan ng nabanggit na highway ay tinambangan ng mga hindi kilalang lalaki.

Sinisilip ng pulisya kung may kinalaman ang grupo ng makakaliwang kilusan sa naganap na pamamaslang. (Resty Salvador)

Show comments