Nakapatay na police chief, tugis

CAMP CRAME –Tugis ngayon ng mga awtoridad ang isang hepe ng pulisya na pinaniniwalaang nasangkot sa pamamaril at pagkakapatay sa isang sibilyan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang opisyal na target ng manhunt operations na si P/Insp. Tyrone Dotimas, chief of police ng bayan ng Lagonoy ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO).

Sa ulat, naganap ang pamamaril bandang alas-8:30 ng gabi, kamakalawa laban sa biktimang si Edgar Federes sa Barangay San Isidro, Pili, Camarines Sur.

Nagawa pang maisugod sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Federes, subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot. Masusi pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang motibo ng pamamaslang. (Joy Cantos)

Show comments