Itoy matapos na magkaroon ng dead-locked" ang six-member Commission noong Huwebes sa botohan, kaugnay sa motion for reconsideration na inihain ni Alfredo Corona, na humihiling na bawiin ang kautusan ng Second Division na nagpapatalsik sa huli bilang mayor ng Tanauan City.
Sina Chairman Benjamin Abalos at Commissioner Florentino Tuazon Jr. bumoto pabor sa nasabing mosyon habang sina Commissioners Mehol Sadain at Rufino Javier ay tumutol. Nag-inhibit naman sina Commissioners Resurrecion Borra at Romeo Brawnes.
Base sa Rules and Producer ng poll body, kinakatigan nito ang naipalabas na orihinal na desisyon at binabasura naman ang lahat ng mosyon o iba pang bagay na humihiling na baligtarin ito kapag nagkaroon ng deadlocked votes ang Commission en banc sa appealed cases.
Ayon kay Atty. George Erwin Garcia, counsel ni Aquino, pormal na nilang inabisuhan ang COMELEC, kaugnay sa pag-assume ng huli sa posisyon bilang mayor ng Tanauan City kahapon.
Si Aquino ay idineklarang tunay na nanao sa nakaraang eleksyon matapos na lumitaw sa pagsusuri ng Comelec Second Division na nakakuha ito ng botong 27,482 kumpara kay Corona na may 24,482 votes o kalamangan na 3,102 boto.
Sa ginawang recount, nadiskubre ng poll body ang libu-libong balota na pawang mga dinoktor o gawa ng iisang tao lamang bukod pa sa marami sa mga ito ang peke o hindi official ballot na ipinagagamit sa nakaraang halalan. (Doris Franche)