Sa 12-pahinang desisyon ni Executive Presiding Judge Franco Falcon ng Labo Regional Trial Court, Branch 64, magkasunod na hinatulan ng kamatayan sina Remeias "Meyong" Begino, 49; at Salvador Barra, 46.
Base sa record ng korte, napatunayang si Begino, ang humalay sa sariling 8-anyos na anak-anakan noong August 2, 1994 sa Sitio Calabacang Munti, Barangay Mabini sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.
Bukod sa hatol na bitay ay pinagbabayad ng korte ang akusadong si Begino ng P180,000 sa biktima bilang danyos perwisyo.
Samantala, si Barra ay napatuyang gumahasa sa kanyang 15-anyos na anak-anakang babae noong May 14, 1997 sa koprahang sakop ng Purok 4, Barangay San Lorenzo Ruiz sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte.
Muling naulit ang panghahalay sa biktima noong Nobyembre 1997, Enero 1998 at Pebrero 1998, kaya 5 counts ng rape ang ipinataw na may katumbas na bitay.
Pinagbabayad ng korte ang akusadong si Barra ng P870,000 bilang danyos sa biktima.
Awtomatiko naman isusumite sa Court of Appeals ang desisyon ng mababang korte para rebisahin. (Francis Elevado)