Tinamaan ng one strike policy ng PNP, si P/Senior Inspector Rico Nocellado matapos na madakip ng mga tauhan ng task force mula sa Camp Crame ang mga suspek sa jueteng na sina Baby Mercado, 46; Ruben Olivera, 64; Jesus Orogo, 40; at Arthur Ordan 48.
Ayon kay P/Senior Inspector Ignacio Jose Licud, team leader ng grupo ng AIG-SOTF naitala ang pagsalakay sa bolahan ng jueteng dakong alas-11:45 ng umaga matapos na makumpirmang may operasyon ng sugalan sa nabanggit na barangay.
Narekober sa operasyon ng jueteng ang mga materyales na ginagamit sa bolahan at hindi pa nabatid na halaga na pinaniniwalaang pambayad sa mananalo ng sugal.
Nabatid na ang operasyon ng jueteng sa nabanggit na bayan ay nagsimula pa noong Disyembre 2005 kung saan ginaganap ang bolahan sa mga liblib ng barangay upang hindi maamoy ng mga awtoridad. (Ed Casulla)