Tsinap-chop na magsasaka isinako

CAVITE – Pinagputul-putol ang katawan ng isang 38-anyos na magsasaka bago isinako at itinapon sa liblib na bahagi ng Barangay Banaba Lejos sa bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang madiskubre ang dalawang sako na kinalalagyan ng tsinap-chop na katawan ng biktimang si Roman Digo, matapos na ipagbigay-alam ng mga residente sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay PO1 Aaron Abesamis, ang pagkakadiskubre sa torso ng biktima na nakasako ay habang naglalakad ang ilang residente sa paghahanap ng maipapaing unggoy. May posibilidad na kabarangay din ng biktima ang gumawa ng krimen na may matinding galit. (Cristina Timbang)

Show comments