Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Alvin Malasmas, may kasong robbery w/ homicide na nakabinbin sa Municipal Trial Court.
Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Wilfredo Borgonia, dakong alas-9:15 ng gabi ay naglalakad sa pathway ang biktima at kanyang asawat 4-anyos na anak na lalaki, mula sa panonood ng TV sa kapitbahay.
Hinarang umano sila ng suspek na nakasando at bullcap at pagkakita sa biktima ay walang sabi-sabing pinaputukan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo sa pamamaslang at ang pagkakakilanlan sa salarin. (Tony Sandoval)