2 kelot tinali ng sinturon bago binistay ng bala

CAVITE – Dalawang bangkay ng ‘di kilalang lalaki ang natagpuang magkatabi at kapwa nakagapos ng sinturon kahapon ng madaling-araw sa boundery ng Brgy. Pasong Camachile at Imus, lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Orlando Laureles, may hawak ng kaso, ganap na alas- 4:20 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang tricycle driver ang dalawang nakahandusay na lalaki at pawang duguan sa nasabing lugar. Kapwa nakagapos ng sinturon ang mga kamay nito at tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Ang unang biktima ay tinatayang nasa edad na 25-30 anyos, may taas na 5’6, sporting hair, nakasuot ng kulay asul na t-shirt na may stripe na puti, may tattoo sa kanang kamay na Virgin Mary at nakasuot ng wrist watch.

Ang pangalawang biktima ay nagkaka-edad ng 25-30 anyos, may taas na 5’6, nakasuot ng asul na t-shirt at maong pants.

Malaki ang hinala ng pulisya na sa ibang lugar isinagawa ang pagpatay sa mga biktima at itinapon lamang ito sa nasabing lugar upang mailigaw ang pulisya sa gagawing pag-iimbestiga. (Cristina Go Timbang)

Show comments