P.5 M natangay sa pawnshop

CAMP CRAME – Umaabot sa P.5 milyong iba’t ibang uri ng alahas at salapi ang natangay ng mga armadong kalalakihan matapos na looban ang isang pawnshop sa bahagi ng Barangay Bajac-Bajac sa Olongapo City, kamakalawa. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame naganap ang insidente sa April May Pawnshop sa # 1960 Rizal Avenue sa nabanggit na barangay na pag-aari ni Carlos Gamboa. Napag-alamang binutas ang dingding ng nasabing pawnshop bago niransak ang apat na vault na pinaglalagyan ng cash at mga alahas. Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na ang mga suspek ay pawang stay-in sa inuupahang kuwarto na pag-aari ni Marcelo Taguldin na katabi ng pawnshop. (Joy Cantos)

Show comments