Obrero dinedo dahil sa pikunan

CAVITE – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang obrero ng kanyang kapitbahay makaraang magkapinunan habang nag-iinuman ng alak sa Barangay Sampalok 3 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Dakong alas-7 ng gabi nang mapatay ang biktimang si Joel De Villa ng Sitio Piela sa nabanggit na barangay. Samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jonart Jose Bustillo, 32. Ayon kay SPO2 Lorenzo Balbuena, masayang nag-iinuman ang dalawa malapit sa kani-kanilang bahay nang magkapikunan sa biruan. Dahil sa kapwa lango sa alak ay nagawang saksakin ng suspek ang biktima na ikinasawi nito. (Cristina Timbang)

Show comments