Sa isang phone interview, sinabi ni Armys 103rd Brigade Commander Brig. Gen. Raymundo Ferrer, dakong alas-12:10 ng tanghali kamakalawa ng makasagupa ng kaniyang mga tauhan ang mga armadong bandido sa Brgy. Erely sa bayan ng Sumisip.
Ditoy agad na nagkaroon ng umaatikabong bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa mga bandido at ikinasugat ng dalawa ring sundalo.
Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ang mga pangalan ng mga nasawing bandido.
Nabatid sa heneral na ang nakasagupa nilang mga bandido ay ang nalalabing grupo ni Abu Sayyaf Commander Amir Mingkong na namumugad sa lalawigan.
Sinabi ni Ferrer na tinatayang mahigit sampung bandido ang nasugatan na tinangay ng mga nagsitakas nilang kasamahan.
Inihayag pa ng opisyal na sa pag-upo sa puwesto ni bagong AFP-Southcom Chief Major Gen. Gabriel Habacon ay ipinag-utos nito na paigtingin pa ang crackdown operations sa grupo ng Abu Sayyaf sa rehiyon ng Mindanao.
Inatasan ni Habacon ang lahat ng sundalo sa Southcom na laging maging alerto sa posibleng ganti ng ASG. (Joy Cantos)