Carjackers umatake sa Pampanga

CAMP CRAME – Muling umatake ang pinaghihinalaang bigtime carjacking syndicate matapos tangayin ng mga ito ang sasakyan ng isang negosyante sa Angeles City, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Antonio Ocampo, 67 anyos at residente ng #16 Jesus St., Barangay Sto. Rosario, Angeles City.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi pagkatapos kumain sa Mc Donald ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay lulan ng kanyang Honda CRV na may plakang XRS-976 ng sundan ito ng armadong kalalakihan.

Bumaba ng kanyang sasakyan ang biktima para buksan ang kanilang gate ng lapitan at tutukan ng baril ng mga suspek si Ocampo saka sapilitang kinuha ang kanyang sasakyan.

Isinama pa ng mga suspek ang biktima saka ibinaba ito pagdating sa Sto. Domingo sa bayan ng Minalin. (Joy Cantos)

Show comments