Ex-Army inireklamo ng pananakit
NUEVA ECIJA Kasalukuyang nalalagay sa balag ng alanganin ang isang dating sundalo ng Philippine Army matapos na saktan at habulin ng pampasabog na granada ang kinakasamang babae sa Barangay Rizal sa Munoz City,Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Prudencio Montero, 42, biyudo at nasamsaman ng isang fragmentation grenade. Ang biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Christina Manuel, 29. Napag-alamang matinding selos ang pinag-awayan ng magka-live-in na humantong sa pananakit ng suspek sa biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang sakit na kanser kaya nagbaril sa sarili at namatay ang isang 64-anyos na magsasaka sa kanyang bahay sa Barangay Muladbucad sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Francisco Ortega na may sakit na lung cancer. Huling namataang buhay ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto, ayon sa pulisya. Sa impormasyon nakalap ng pulisya na may ilang linggo na rin walang imik ang biktima bago magbaril sa ulo. (Ed Casulla)