Barangay kagawad nilikida

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na barangay kagawad ng nag-iisang killer habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Taban sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Libmanan District Hospital ang biktimang si Eddie Camata, may asawa at naninirahan sa Barangay Manansad Viso ng nabanggit na bayan. Wala pang malinaw na motibo ang pulisya sa naganap na karahasan na naitla dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng riles ng tres na sakop ng nasabing barangay. (Ed Casulla)

Show comments