Babae ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE — May posibilidad na dinukot muna saka pinaslang ang isang babae na natagpuan sa bahaging hangganan ng Barangay San Esteban at Barangay Datu Esmael sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng isang hindi kilalang babae na nasa edad 25 hanggang 30-anyos, may taas na 5’1, maiksi ang buhok at nakasuot ng kulay asul na short at t-shirt.

Ayon kay PO3 Edgar Belza, nakagapos ang dalawang kamay, binusalan sa bibig at may tama ng bala ng baril sa ulo. May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang pamamaslang sa sindikato ng bawal na gamot sa nabanggit na barangay. (Cristina Timbang)

Show comments