324 most wanted nabitag

Camarines Norte – Umaabot sa kabuuang 324 most wanted na kriminal ang nabitag ng mga awtoridad matapos tatlo pa sa mga tinutugis ng batas ang nasakote sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga ito na sina Christopher Asaldo, Edwin Bravo at Alfred Pla; pawang may mga kinakaharap na kasong murder at may nakalaan na reward sa sinumang makapagtuturo sa mga nabanggit.

Ang mga ito ay nasakote sa serye ng operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Camarines Norte Provincial Police Office, Intelligence Group at Special Task Force at Criminal Investigation and Detection Group ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO).

Ayon kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Efren Yebra, naitala ngayong taon ang kabuuang 324 most wanted na kriminal sa lalawigan at patuloy naman ang hot pursuit operations sa iba pang nasa watchlist ng pulisya. (Francis Elevado)

Show comments