Sa 11-pahinang desisyon ni Judge Renato J. Dilag ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, hinatulan ang akusadong si Vener Sudario matapos ang limang taong pagdinig.
Base sa rekord, nagsimulang halayin ng akusado ang biktimang 13-anyos noong Pebrero 22, 2000 hanggang Marso 2001 na nagresulta para mabuntis at manganak at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.
Naging mabilis ang promulgasyon ng kaso matapos na umamin ang akusado sa ginawang pang-aabuso sa sariling anak, kung kayat ipinataw ang habambuhay na pagkabilanggo.
Pinasalamatan naman ni Dilag, ang mga social worker ng City Social Services of Olongapo City at DSWD dahil sa pagbibigay ng kanilang suporta sa menor-de-edad na biktima, kung saan naging bahagi sila sa matagumpay na paghatol laban sa akusado at maituturing na nabigyan ng hustisya ang bata. (Jeff Tombado)