Ang protesta ay ginawa sa pamamagitan ng kanilang paglagda na ngayon ay ginagawa sa buong mundo sa layuning makakalap ng 10 milyong lagda mula sa ibat ibang miyembrong bansa na kanilang ipiprisinta sa 5th Ministerial Convention ng World Trade Organization (WTO) na gaganapin sa Hong Kong sa darating na Disyembre 13-18.
Nabatid na si Benguet Board Memebr John Kim ang magiging isa sa kinatawan ng Pilipinas sa usaping vegetable industry sa naturang kumperensya. Itinalaga siya bilang miyembro sa delegasyon ng Department of Agriculture.
Tatlong pangunahing isyu na may kinalaman sa magsasaka at agrikultura ang ipiprisinta ni Kim na naglalayong maresolba sa convention. Hangad nito na mawala ang government subsidies na ibinigay sa mga magsasaka sa ibang bansa. Pagmantine ng tariff rates sa mga produkto, palabas man o papasok ito ng bansa at ang strict compliance sa Sanitary and Phyto-Sanitary (SPS) requirements.
Ang SPS ay kailangan sa lahat ng produktong agrikultura bago ito payagang maipasok sa bansa para matiyak na ito ay ligtas sa peste at sakit. (Artemio A. Dumlao)