Sa ulat, itunuro ng biktimang itinago sa pangalang Maria, ang limang binatilyo kabilang na ang dalawang menor-de-edad na humalay sa kaniya matapos pasukin ang kanyang kubo sa nabanggit na barangay bandang alas- 8 ng gabi.
Ayon sa salaysay ng biktima, kasalukuyan siyang mahimbing na natutulog nang magising na lamang siyang pinaghihipuan at pinaghahahalikan ng mga suspek ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Napag-alaman na tinangkang sumigaw ng ginang, subalit tinutukan siya ng patalim ng mga suspek na pawang lango sa alak saka isinagawa ang maitim na balak.
Matapos maisakatuparan ang krimen ay mabilis na tumalilis ang mga suspek na sinamantala ang kadiliman ng gabi.
Nang makorner ng pulisya ang limang binatilyo ay itinanggi ng naganap na krimen, subalit kinalaunan ay inamin din ng isa sa mga suspek na 16-anyos ang edad na nagawa lamang nilang halayin ang biktima dahil sa sobrang kalasingan sa alak. (Joy Cantos)