Batay sa report, pasado alas-5 ng hapon habang abalang-abala ang mga residente sa pier area ng lungsod ng bigla na lamang lamunin ng apoy ang mga kabahayan dito.
Mabilis na kumalat ang apoy sa lugar at kabilang sa mga nasunugang lugar ay ang Sitios Sto. Niño, San Vicente Ferrer, Sitio Silangan, Brgy. Tejero; pawang ng lungsod na ito.
Ang sunog ay naapula matapos ang ilang oras sa dahilang nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang nasabing lugar bunga ng makikipot na kalye dito gayundin dahilan masyado ng malaki ang apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon ang sunog ay nagmula sa Sitio Silangan na mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan.
Wala namang naiulat na namatay sa nangyaring sunog.
Nabatid sa rekord ng Bureau of Fire Protection ng Cebu City Police na umaabot na sa P4.25M ang naging pinsala sa sunog sa lungsod sa loob ng buwang kasalukuyan. (Joy Cantos )