Pupil nakuryente sa classroom, dedo

Isang 13-anyos na pupil ang nasawi makaraang aksidente umanong makuryente sa loob ng kanilang silid-aralan sa Danao City Central School sa Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Base sa report, ang biktima ay nakilalang si Kevin Beduya, grade 6 student sa nasabing eskuwelahan.

Kasabay nito, iginiit naman ng ama ng biktima na nararamdaman niyang may naganap na foul play sa pagkamatay ng anak matapos na makita na tadtad ito ng malalalim na sugat at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan na indikasyong ginulpe ang bata.

Bukod dito ay nabalian umano ng kaliwang braso ang biktima, may tatlong hiwa sa kaliwang braso at sunog ang kanang paa.

Ang biktima ay huling nakitang buhay kamakalawa ng umaga habang pumapasok sa bintana ng nasabing eskuwelahan. (Joy Cantos)

Show comments