Ayon kay PO3 Romeo Gerlan, may hawak ng kaso, kinilala ang biktimang si Reyna Tadao, 19, residente ng Barangay Antipulo, Asipulo Ifugao at kasalukuyang naninirahan sa Malliling Boarding House Espino St. Poblacion South, Solano kung saan kasalukuyang nag-aaral sa Aldergate College na nakabase rin sa bayang ito.
Batay sa salaysay ng kanyang mga boardmates, dakong alas-5 ng hapon noong Huwebes nang magkulong ito sa kanyang inuupahang kuwarto ang biktima hanggang sa makarinig na lamang sila ng isang putok ng baril. Nakita na lamang na nakahandusay na ang katawan ng biktima na naliligo sa sariling dugo matapos niyang barilin ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib gamit ang isang kalibre .38 baril na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Isang suicide note ang nakita sa ibabaw ng kanyang mesa kung saan nakasaad ang kanyang pamamaalam sa kanyang mga magulang, kapatid at di umanoy boyfriend na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. (Victor Martin)