Kano todas sa NLEx road mishap

CAMP CRAME — Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 49-anyos na Kano makaraang sumalpok ang minamanehong Mitsubishi Pajero sa posteng sakop ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Dau, Pampanga kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot ng buhay sa Jose Lingad Hospital ang biktimang si Peter Coghill Murphy ng Tarlac City. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng nabanggit na highway nang sumalpok sa poste dakong alas-2 ng madaling-araw. May teorya ang mga awtoridad na masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan ang biktima kaya hindi nito na-kontrol ang manibela at bumangga sa naturang lugar. (Joy Cantos)

Show comments