Misis pinilahan ng 3 tinedyer

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City — Pinilahang halayin ng tatlong tinedyer ang isang misis na may kapansanan sa katawan sa loob ng palengke na sakop ng Barangay Pating sa Masbate City kamakalawa ng gabi. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang biktimang itinago sa pangalang Lucy, 30, ng Barangay Bagong Bayan ng nabanggit na lungsod. Samantala, agad namang nasakote at naghihimas naman ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Johnry Dayap, 18; Rowel Balat, 20; Armin Capinig. Pinaniniwalaan namang lango sa droga ang mga suspek kaya naisagawa ang maitim na balak laban sa biktimang pipi’t bingi. (Ed Casulla)

Show comments