Trader dedo sa saksak

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite –Pinaniniwalaang matinding galit ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang isang 33-anyos na trader ng isang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Molino 6 sa bayan ng Bacoor, Cavite, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Valentino Agsalud, may asawa, may-ari ng karinderya at residente ng Block 26 Lot 13 Phase 1, Soldier Hills 4, Barangay Molino 6 ng bayang nabanggit. Sa imbestigasyon ni SPO1 Dante Ordono, naitala ang krimen dakong alas-12:20 ng madaling-araw makaraang makasalubong ng biktima ang suspek sa kahabaang bahagi ng nabanggit na barangay. Nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa paslangin ang biktima. (Cristina Timbang)

Show comments