Sa ulat ni P/Supt. Roel Obusan, hepe ng provincial intelligence and investigation branch, kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, nakilala ang suspek na si Manuel Galapate, 34, ex-security guard ng Tarlac National Vocational School (TARNAVOC) sa Paniqui, Tarlac at itinuturong lider ng Acero Brotherhood Fraternity.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay may nakabinbing kasong 5 counts ng gang rape; 7 counts of violation of RA 8049 (anti-hazing law); at illegal possession of firearms dahil nahulihan ito ng baril na walang lisensya.
Bago madakip ang suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol kay Galapate na namataang nagkukuta sa nabanggit na lugar kaya agad kumuha ng warrant of arrest sa korte at nagsagawa ng operasyon hanggang sa madakip ang suspek.
Napag-alaman sa ulat na ika-9 na si Galapate sa 13-wanted na nadakma at kinasuhan ng gang rape at anti-hazing.
Nakakulong na ngayon sa Paniqui, Tarlac ang walong iba pa at inaasahan ng pulisya na lulutang ang iba pang naging biktima at maghaharap ng karagdagang kaso sa mga suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)