Problemadong trader nag-suicide

KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City — Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang matinding problemang pampamilya kaya nagdesisyong magbaril sa sarili at namatay ang isang 40-anyos na negosyanteng binata matapos na magkulong sa bahay sa Purok 2, Barangay Divino Rostro sa Tabaco City, Albay kahapon ng madaling-araw. Naisugod pa sa Ziga Memorial Hospital ang biktimang si Nestor Medrano, subalit idineklara nang patay.

Ayon sa pulisya, huling namataan ang biktima na buhay nang pumasok sa kanyang kuwarto hanggang sa nakarinig ng malakas na putok ng baril ang kasambahay ng binata. Tumanggi naman ang mga kaanak na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima sa hindi nabatid na dahilan. (Ed Casulla)

Show comments