Sa ulat ng Quezon Provincial Fire Marshall, ang unang sunog ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa palengke ng Lopez, Quezon.
Aabot sa P70 milyong mga ari-arian ang nasunog sa Lopez Public Market at iniulat na nagsimula ang apoy sa RTW at dry goods section.
Dakong alas-6:30 na ng umaga nang maapula ang sunog ng mga elemento ng Bureau of Fire Protection na nagmula sa mga kalapit bayan ng Lopez, Calauag, Gumaca, Atimonan at Guinyangan.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung saan nagmula ang sunog habang nagpadala na ng tulong si Mayor Felix Salumbides; Congressman Erin Tañada, Raffy Nantes at Danny Suarez sa mga naapektuhang maninindahan.
Naabo naman ang tinatayang P10 milyong mga ari-arian ng masunog ang bodega ng Marktown Lumber and Hardware sa Lucena City dakong alas-4 ng hapon.
Inaalam pa ang pinagmulan ng naturang sunog. (Tony Sandoval)