Bangka tumaob: 1 dedo, 1 nawawala

Isang 15-anyos na dalagita ang nasawi habang isang kaklase nito ang nawawala makaraang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Lake Cebu na sakop ng South Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Mejer habang pinaghahanap pa rin si Rosalyn Angcop pawang mga estudyante ng Mission National High School.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-8:45 ng umaga na lumulutang sa tubig kung saan halos lumobo na ang katawan nito.

Sinasabing 9 na estudyante mula sa nasabing paaralan ang lulan ng bangka at namasyal sa Lake Cebu nang maganap ang insidente.

Itinanggi naman ng mga guro ng naturang paaralan na kasama ang lugar ng Lake Cebu sa lugar na pupuntahan ng mga estudyanteng nagfield-trip at nagtataka din umano ang mga ito kung bakit pinuntahan ng mga estudyante ang naturang lugar. (Angie dela Cruz)

Show comments