BULACAN Isang 46-anyos naTaiwanese ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya matapos na maaktuhang nagpapapalit sa money changer ng mga pekeng dolyares sa Barangay Poblacion sa bayan ng Baliuag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kalaboso ang binagsakan ng suspek na si Kevin Peng na inhinyero Goldpound Engineering Corp. sa Mabalacat, Pampanga at residente ng Barangay Tambubong, San Rafael, Bulacan. Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod ng reklamo ng may-ari ng money changer na may nagpapalit ng 10 piraso na pekeng dolyares. Agad na rumesponde ang pulisya sa nabanggit na lugar at dinakip ang suspek.
(Efren Alcantara) DAET, Camarines Norte Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 24-anyos na binata makaraang matapakan ang talop na linya ng kuryente sa madamong bahagi ng Purok 3 sa Barangay San Isidro sa bayang nabanggit, kamakalawa ng madaling-araw. Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Sherman Bañes, habang nakaligtas naman ang kaibigan nitong si Romel Abalao, 23, ng nabanggit na barangay. Base sa ulat, magkasamang naglalakad ang dalawa sa nasabing lugar habang bumubuhos ang malakas na ulan nang aksidenteng maapakan ni Sherman ang naputol na linya ng kuryente mula sa poste. Agad na nagkikisay ang biktima, samantalang nakagapang naman ang kasama nito kaya nakaligtas sa tiyak na kamatayan.
(Francis Elevado) 500 Blasting Kap Nasamsam |
CAMP AGUINALDO Umaabot sa 500 pirasong blasting kap na tinangkang ipuslit patungong Maynila ang nasabat ng mga tauhan ng pulisya daungan ng Nasipit International Seaport sa bahagi ng Agusan del Norte kamakalawa. Wala naman natukoy na may-ari ng mga blasting kap na tinangkang itago sa dalawang kahon na may nakapatong na mga bote ng orange juice. Base sa ulat, ang mga materyales ng pampasabog ay nadiskubre habang nagsasagawa ng security operation sa nabanggit na pantalan. Hindi rin natukoy ng mga estebador ang may-ari ng dalawang kahon na tinangkang ipuslit papasok ng barko na maglalayag patungong Kamaynilaan.
(Joy Cantos) 3-Katao Dinukot Ng NPA Rebs |
LEGAZPI CITY Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang dinukot ng mga rebeldeng New Peoples Army ang inulat na nawawala noong pang Martes (Setyembre 6) sa hangganan ng Barangay Mapaco at Maoraro sa bayan ng Guinobatan, Albay. Kabilang sa nawawalang biktima ay sina Jerby Patiag,19; Ronie Reyes, 29 at Eugene Delos Santos, 33, na pawang residente ng Nabua, Camarines Sur. Narekober ng pulisya ang dalawang motorsiklo (EO-7654, EG 6859) ng mga biktima sa nabanggit na barangay. Ayon kay P/Insp. Jerson Osorin Jr., hepe ng pulisya ng Guinobatan, ang mga biktima ay naniningil ng pautang at sa hindi nabatid na dahilan ay hindi na nakauwi pa hanggang sa kasalukuyan.
(Ed Casulla)