Kalihim ng barangay nilikida

ORANI, Bataan — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na kalihim ng barangay ng dalawang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagpapakain ng anak sa bahay ng kanyang biyanan sa Barangay Tugatog, Orani, Bataan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Sr.Insp. Asterio Cumigad, hepe ng pulisya sa bayan ng Orani, ang biktima na si Romualdo Flores, barangay secretary ng Tala at dating presidente ng student council sa Bataan Community College at kasalukuyang residente sa Barangay Tala, Orani. Napag-alaman ang mga killer ay nagpanggap na bibili ng sedula sa biktima bago isagawa ang krimen dakong alas-5:30 ng umaga. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments