Si Pangulong Arroyo, ang mamamahagi ng "Tanging Alay sa Tanging Anak ng Nueva Ecija Awards" (TATANG Awards), isang pagbibigay-parangal at pagkilala sa mga Novo Ecijano na may nagawang katangi-tangi sa kanilang larangan o trabaho hindi lang dito sa lalawigan at buong bansa kundi maging sa ibayong dagat.
Kabilang sa mga tatanggap ng pagkilala ay sina Fernando Gabuyo Jr., sa larangan ng Agriculture; Cabiao Mayor Gloria Congco, (Public Service); Felomino Manuad Jr. (Science); Dr. Pedro San Vicente (Education); Maria Bagasao (Social Service); Sergio Ortiz-Luis Jr. (Trade and Industry); Sofia S. Linsangan (Culture and Arts); P/C Supt. Servando Hizon (Police Service); Dr. Felipe Estrella Jr. (Medicine); Ramon R. Valmonte (Journalism/Media) at si Oscar Briones (Sports). Bukod sa plake, ay tatanggap din ng P50,000 ang mga awardee.
Ang Setyembre 2, ay pulang araw sa kalendaryo ng lalawigan ng Nueva Ecija dahil ipinagdiriwang dito ang kabayanihan ng mga Novo Ecijano nang kanilang kalabanin ang mga mapaniil na Kastila. Pinamunuan nina Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte ang kudeta sa mga sundalong Kastila sa bayan ng San Isidro. (Christian Ryan Sta. Ana)