Kinilala ni P/Supt. Antonio Adawag, hepe ng pulisya, ang dalawang nasawi na sina: Rodolfo Pante at Jomar Tudla, habang ginagamot ang siyam na nasugatan na sina Rodrigo Abellera, 42; Ronald Sembrano, 21; Santiago Ayes, 60; Rowena Soliven, 21; Reynaldo Pablo, 41; Allan Soliven, Goby Miñoza, 22; Violeta Soliven, at ang 5-anyos na paslit na si Daniela Soliven.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Pastor, dakong alas-7:30 ng gabi noong Miyerkules nang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga biktima at pagdakay pinasok ng mga suspek ang bahay ng pamilya Soliven.
Agad na naghagis ng granada ang isa sa mga suspek na ikinasawi ng dalawa at pagkasugat ng siyam na katao dulot ng mga tumamang sharpnel.
Napag-alamang puntirya ng mga suspek ang bahay ni Bonifacio Balones na pinaniniwalaang nasangkot ang anak nitong lalaki sa panggugulpi ng tatlong kalalakihan noong Agosto 26 at nagkataon namang malapit lamang sa pinagdarausan ng pulong ng mga biktima
Ayon pa sa imbestigasyon, ang nasabing grenade throwing incident ay isang kaso ng mistaken identity, dahil ang nakikitang motibo ng pulisya ay personal grudge.
"Posibleng nagkamali ang pinagtanungan ng mga suspek na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng mga inosenteng sibilyan," dagdag pa ni SPO1 Pastor.