Sinampahan ng kasong frustrated homicide sa San Mateo Municipal and Order Committee chairman ng nasabing bayan.
Sa reklamo ng biktimang si Moises Amansec, 19, dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Agosto 17, habang papalabas siya ng Eastern Bull Karaoke Bar sa Barangay Balanti kasama ang dalawa pang kaibigan nang bigla umano siyang hinarang ng apat na kalalakihan kasama ang nasabing konsehal at dalawa dito ang may hawak ng baril.
Dahil sa nakaamoy ng panganib ay nagkanya-kanyang takbuhan ang kasama ng biktima, subalit naabutan si Amansec ng mga suspek.
Pinagtulungang gulpuhin at hindi pa nakuntento ay pinagpapalo pa ito ng baril ng konsehal bago tuluyang umalis ng nasabing lugar.
Agad namang naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina ang biktima dahil sa tinamo nitong pinsala sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Edwin Balasa)